PINILI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Teodoro “Boy” Locsin upang pumalit sa puwesto ni Alan Peter Cayetano bilang Foreign Affairs secretary.
Kasunod ito ng pagbibitiw ni Cayetano sa puwesto upang tumakbo bilang kongresista sa Taguig City.
Inanunsiyo ng Pangulo ang paghirang kay Locsin bilang susunod na Foreign Affairs Secretary sa press conference sa kani-yang pagdating mula sa Indonesia matapos dumalo sa ASEAN leaders’ gathering.
Samantala, kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na papalitan ni dating Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor) si dating PNP Chief Ronald “Ba-to” dela Rosa.
Si Dela Rosa ay naghain kahapon ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa pagka-senador.
Ayon kay Guevarra, ang Pangulo mismo ang pumili kay Faeldon na papalit kay Dela Rosa. NENET VILLAFANIA