LUMUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointment si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teddy Boy Locsin.
Walang kahirap-hirap na lumusot si Locsin sa committee level na umabot ng 30 minuto matapos ang pagtatanong ng ilang mga kongresista at senador na miyembro ng CA.
Nasagot naman ni Locsin ang mga katanungan ng mga ito partikular na sa isyu ng West Philippine Sea, OFWs, illegal Chinese workers at ang isyu ng withdrawal sa ICC.
Sa plenaryo naman sa Senado, inindorso ni Senador Panfilo Lacson, chairman ng Foreign Affairs Committee ng Commission on Appointment ang kumpirmasyon ni Locsin.
Sinegundahan ito nina Senators Juan Miguel Zubiri, Grace Poe, at Sonny Angara.
Tiwala naman si Poe sa kakayahan ni Locsin at naniniwala ang senadora na hindi papayag ang kalihim na ma-bully ang Filipinas kung saan umaasa na ipaglalaban ni Locsin ang soberanya ng bansa. VICKY CERVALES
Comments are closed.