TEENAGER BUMATAK SA LOOB NG KOTSE, HULI SA AKTONG PAG-CARNAP

bumabatak

BULACAN – ISANG kabataang lalaki na hinihina­lang guma­gamit ng ilegal na droga ang nahuli sa aktong pagnanakaw ng kotse ng isang negos­yante sa Barangay Sto. Cristo, bayan ng Angat, kamakalawa.

Ayon kay PCol. Chito Bersaluna, hepe ng Bulacan PNP, nahuli sa akto si alyas Gab, 18-anyos, habang nasa loob ng kotse ng biktima sa nasabing barangay.

Nabatid na umalarma ang itim na sports utility vehicale na may plakang UJQ-839 kaya sinilip ng biktima ang kotse at nakita sa loob ng sasakyan si Gab.

Humingi ang biktima ng tulong sa mga pulis na nagsidating at nadakip ang suspek na nakumpiskahan ng dalawang screwdriver at dalawang plastic sachet na naglalaman ng hinhinalang shabu. A. BORLONGAN

0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *