TEJEROS CONVENTION

NOONG March 23, 1897, isang araw matapos ang Tejeros convention, nanumpa si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng Pilipinas sa isang chapel na officiated ng paring Katoliko na si Cenon Villafranca na nasa ilalim ng otoridad ng Papa sa Roma.

Ayon kay Gen. Santiago Alvarez, nagtalaga ng mga gwardia na binigyan ng kautusang huwag papapasukin ang mga miyembro ng Magdiwang habang nanuunumpa si Aguinaldo.

Nanumpa rin si Artemio Ricarte at nagdeklarang sa tingin niya ay marumi at hindi kapani-paniwala ang naganap na Tejeros Convention.

Samantala, nakipagkita si Andres Bonifacio sa kanyang mga supporters at sinulat nila ang Acta de Tejeros, kug saan inilagay nila ang kanilang mmga dahilan kung bakit hindi nila tinatanggap ang resulta ng eleksyon. Ani Bonifacio, kahina-hinala ito at posibleng may dayaan at inakusahan sin si Aguinaldo ng pagtataksil at pakikipagnegosasyon sa mga Kastila.

Sa paningin nina Santiago Álvarez (anak ni Mariano) at Gregoria de Jesús may mga pangalan nang nakasulat sa balota nang ipamahagi ito, at ayon kay Guillermo Masangkay mas marami pa ang balota kesa bilang ng taong bumoto. Ani Álvarez, binalaan na si Bonifacio ni Cavite leader Diego Mojica na mangyayari ito pero wala itong ginawa.

Pirmado ni Bonifaci ang Acta de Tejeros at 44 na iba pa kasama sina Artemio Ricarte, Mariano Alvarez at Pascual Alvarez.

Noong April 19, sa mi­ting sa Naic, isinulat ang isa pang kasunduan, ang Naic Military Agreement, na pirmado naman ng 41 katao, matapos matuklasan ang pagtataksil umanong ilang opisyal. Agad silang ipinapatay sa kautusan ni General Pio del Pilar. Kasama sa ipinapapatay sina Bonifacio, Ricarte at del Pilar. LEANNE SPHERE