NGAYONG halos nasa kalagitnaan na tayo ng buwan, silipin naman natin ang dalawang kaganapan na puwede nating pag-ukulan ng pansin at panahon para sa ating sariling pag-unlad.
Una na rito ang Manila Social Good Summit (SGS) ng Rappler. Ito ay isang pagtitipon na gaganapin sa ika-16 ng Setyembre sa Samsung Hall ng SM Aura Premier, Taguig mula alas-8:30 n.u. hanggang alas-4 n.h. Ang tema ng event na ito ay “#TurningTechForGood: From Problem to Solution”.
Magsasama-sama ang mga tech leaders, reform advocates, mga NGO at community-based institutions, pribado at pampublikong sektor, media, at iba pa upang pag-usapan ang teknolohiya at kung ano ang ating maiaambag upang mas mapagyaman pa ang teknolohiya para sa kapakinabangan ng lipunan. Mangyaring magpunta sa rplr.co/SGS2023 para makakuha ng tiket para sa SGS.
Ang ikalawang kaganapan naman ay ang Life Reboot Camp ni Rheea Hermoso Prudente. Ito ay anim na magkakasunod na online meetings tuwing araw ng Sabado simula sa ika-21 ng Oktubre 2023. Layunin nitong tulungan ang mga kalahok upang magkaroon ng mas malinaw na pananaw tungkol sa mga bagay na maaaring malabo pa sa ngayon.
Layunin din nitong ihanda ang mga kababaihang kalahok para sa darating na taong 2024 upang maging mas mabuti at mas matagumpay ang darating na taon para sa kanila.
Para sa mga mag-a-attend, sisikapin ng Life Reboot Camp na ibalik ang kanilang kumpiyansa sa sarili, magkaroon ng panibagong sigla at lakas para mabuhay, magkaroon ng malinaw na mga layunin, at madiskubre kung ano ang maaaring magtulak sa kanila patungo sa kanilang mga pangarap. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bumisita sa bit.ly/LifeRebootCamp