Anong technology o kagamitan ang meron noong second century AD na ginamit nila upang magawa ang isang iskulturang gawa sa pinakamatigas na marmalade na ganito kaganda ang precision?
Napakaganda, di po ba, at sa panahon ngayon, hindi ito posible liban na lamang kung sasailalim sa advanced technologies. At kahit pa nga sumailalim sa teknolohiya, wala pa rin tayong alam na sculpture sa panahong ito na ganyan kaganda at kametikuloso.
Batay sa pananaliksik, noong kalaghatian ng 2nd millennium BC, maraming regional powers ang naglaban-laban para sa pamumuno. Marami ring naganap na developments. Nagkaroon ng emphasis sa grandiyosong arkitektura, pananamit, diplomatic correspondence gamit ang mga clay tablets, bagong economic exchanges, at mga bagong kaharian. Ito yung panahong itinayo ang naglalakihang palasyo at nagtataasang rebulto.
Kataka-takang ang kanilang correspondence ay clay tablets lamang, pero ang iskultura nila, ultimong sandalyas, masalimoot ang disenyo. Hindi ako pwedeng maniwalang sinsil at kutsilyo lamang ang ginamit dito. Ano sa palagay ninyo? Hindi rin kayo mapalagay? — RLVN