Nakatakda ang pagdaraos ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction sa bansa ngayong Oktubre.
Dito ay tututukan ang pagpapakilala ng mga drone, satellite, at artificial intelligence (AI) sa pagtugon sa kalamidad.
Magsisilbing platform ang nasabing pagtitipon upang mapalakas ang pagtutulungan ng iba pang mga bansa para maprotektahan mula sa kalamidad, hindi lamang ang mga ipinundar na ari-arian, kundi pati ang buhay.
Mabilis ang pagbabago dahil sa teknolohiya at ang teknolohiyang ito ang magpapagaan sa monitoring o gawain ng mga awtoridad at ng mamamayan lalo na ngayong papatindi ang lakas ng mga bagyo dahil sa climate change.
Ang komperensiya ay gaganapin sa Oktubre 14 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.