NANINDIGAN si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Rommel Francisco Marbil na yayakapin ng kapulisan na maisulong ang isang technology-driven, propesyunal, at apolitical na organisasyon.
Ito ay upang maisilbi ng PNP nang tama ang kanilang mandato.
Sa kanyang New Year’s message, sinabi ni Gen. Marbil na handa ang Pambansang Kapulisan sa pagtugon sa umuusbong na pangangailangan pagdating sa mga tagapagpatupad ng batas sa modernong panahon.
Dahil dito, binabalangkas ng Pambansang Pulisya ang kanilang inisyatiba na nakapokus sa teknolohiya tulad ng pagsusuot ng body cam, real-time crime mapping at pagpaganda ng cybercrime units.
Ayon kay Marbil, ang teknolohiya ay hindi lang isang gamit, bagkus ito ay kinakailangang katuwang ng mga tagapagpatupad ng batas.
Dagdag pa niya na ang PNP ay nakatuon sa paggugol sa makabagong solusyon upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.