INIREKOMENDA ni House Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon III na dagdagan pa ang telecommunication companies sa bansa.
Ito ay matapos mapili ang Udenna Corporation and China Telecommunications Corporation bilang provisional third telco sa bansa na bagong ‘challenger’ ng dalawang telcos na PLDT at Globe sa paghahatid ng mabilis na internet.
Binigyang-diin ni Abayon na hindi dapat makuntento sa tatlong major telecommunications players ang bansa.
Payo ng kongresista, dapat papasukin sa industriya ang higit pa sa tatlong korporasyon lalo’t mabilis na lumolobo ang populasyon sa Filipinas at patuloy ang pagpapalawig sa ekonomiya.
Sa paglimita ng pamahalaan sa telco players ay naaapektuhan, aniya, ang paglago ng bansa pati na ang consumer options.
Paliwanag pa ni Abayon, marami pang magagamit na spectrum frequencies at malawak pa ang dead spots sa buong bansa na maaaring ilaan sa ibang kompanya. CONDE BATAC
Comments are closed.