TIWALA ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga hakbang ng sektor nito na planong tumugon sa isyu ng matinding trapik sa Metro Manila at malalaking siyudad sa bansa.
Sa pagbubukas ng pre-State of the Nation Address (SONA) Forum nitong Lunes, sinabi ni former Acting Secretary Eliseo Rio, Jr. na may mga plano na ring inilalatag ang kagawaran para ma-decongest ang mga siyudad at pangunahing kalsada.
“We are convincing the telcos to come up with an application so that people don’t have to travel (and) they can transact business online. We have about how many thousands of small meetings in Metro Manila. If people don’t have to go in to small meetings, that will reduce cars in our roads by about a hundred thousand a day of vehicles in our roads,” pahayag ni Rio.
Sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA), nasa P3.2 bilyon ang nawawala sa bansa kada araw dahil sa matinding trapik kung kaya papasok ang malalaking telcos na inaasahang makatutulong para matugunan ang problema sa trapiko.
Kamakailan lamang ay inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kayang paikliin ng hanggang limang minuto ang biyahe ng mga motorista mula Cubao patungong Makati City.
Sinang-ayunan naman ito ni Public Works Secretary Mark Villar dahil sa ilang proyekto sa ilalim ng ‘Build Build Build’ program ng pamahalaan na unti-unti nang naisasakatuparan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.