INAPRUBAHAN na ng 15 senador na dumalo sa pagbubukas ng sesyon kahapon ang pagsasagawang teleconferencing sa plenary session at committee hearings sa Senado.
Pinaboran ng mga senador ang Senate Resolution bilang 372 na layong magsagawa ng sesyon sa pamamagitan ng teleconference, video conference at iba pang uri ng remote o electronic means.
Sa ilalim ng SRN 762 inamiyendahan ang Rule XI Section 22 at Rule XIV Section 41 ng Rules of the Senate na kung saan papayagan ang plenary session at committee hearings sa pamamagitan ng teleconference.
Ang nasabing mungkahi ay bunsod na rin ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic na kung saan ay kinakailangang manatili sa kanilang tahanan ang taumbayan alinsunod na rin sa ipinaiiral na enhanced community quarantine (ECQ).
Nananatili ang ECQ sa Metro Manila at ilan pang apektadong probinsiya hanggang Mayo 15, 2020 habang isinailalim naman ang ilang probinsiya sa General Community Quarantine (GCQ) na nagsimula nito lamang Mayo 1, 2020
Gayundin, ang buong bansa ay isinailalim sa state of emergency dulot ng COVID-19 noong Marso na magtatagal ng anim na buwan maliban na lamang kung babawiin na o papalawigin pa ng Pangulong Rodrigo Duterte
Pananatilihin din sa Senado ang safety measures para maprotektahan ang integridad ng plenary session at committee hearings. VICKY CERVALES
Comments are closed.