SA PATULOY na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, maaaring samantalahin ng publiko ang telemedicine services upang makakuha ng medical advice, lalo na kapag nasa bahay o sumasailalim sa quarantine.
Ayon kay Maridol D. Ylanan, CEO ng Global Telehealth, Inc. na nagpapatakbo sa KonsultaMD, ang telemedicine ay isang praktikal na al-ternatibo sa pagbisita sa hospital emergency rooms na dapat ireserba sa mas mga kritikal na sitwasyon.
Gayundin, sa pamamagitan ng telemedicine, ang mga customer ay magkakaroon ng 24/7 access sa mga doktor habang nakasisiguro na hindi sila bantad sa panganib na makakuha o maikalat ang anumang sakit dahil walang physical interaction sa medical practitioners at mga pasyente.
“Telemedicine providers are here to give health advice. KonsultaMD, for instance, has a team of doctors who are fully-equipped with the knowledge on how to deal with various medical concerns including COVID-19. Through telephone triaging, the doctor can advise the customer whether they need to go to the hospital for further evaluation or testing,” wika ni Ylanan.
Sa ibang bansa tulad ng US, ang telemedicine ay itinuturing nang pangunahing instrumento upang makatulong sa paglaban sa COVID-19 dahil ang kawalan ng physical interaction ay maaaring magpabagal sa pagkalat ng sakit. Inalerto rin ng US National Center for Immunization and Respiratory Diseases at the Centers for Disease Control and Prevention ang mga ospitsl sa US na maging handa na gamitin ito.
Bagama’t ang telemedicine ay hindi pa kilala sa mga Filipino, ipinakilala na ng KonsultaMD ang makabagong healthcare service na ito, li-mang taon na ang nakalilipas. Sa pag-dial
sa 79880 toll-free mula sa kanilang Globe o TM mobile phones o sa 02-7798-8000 sa landline, maaari nang makipag-usap ang sinuman sa isang doktor upang magtanong para sa medical information para sa primary conditions, maternity, pediatrics, mental health, COVID-19, health coaching, nutrition counseling, pagbabasa ng laboratory at diagnostic results, at permissible medication. Maaari ring tukuyin ng KonsultaMD doctors ang ‘urgency’ ng sitwasyon, kung ito’y energency o hindi, sa pamamagitan ng telephone triaging.
Ang KonsultaMD ay nag-aalok ng unlimited immediate access sa mga doktor 24/7 sa pamamagitan ng flexible at affordable plans tulad ng individual subscription fee na P15 kada linggo o P60 kada buwan para sa Globe Prepaid at TM customers, na ibabawas sa kanilang prepaid load.
Para sa Globe Postpaid customers, maaari silang mag-subscribe sa P99 per week plan na maaaring i-extend sa isang karagdagang family member o P150 per month na may apat na extensions, at sisingilin sa kanilang monthly bill.
Ang non-Globe at TM customers ay maaari rimg mag-avail ng KonsultaMD services sa pamamagitan ng one year subscription na P150 per month para sa grupo o P60 per month para sa indibidwal, na maaaring bayaran via credit card o mobile money at sakop ng regular cell phone charges kung ang tawag ay via mobile.
Maaaring mag-subscribe sa pagbisita sa https://www.konsulta.md/subscribe, at pagtawag sa 79880 toll-free via mobile (para sa Globe/TM customers) o (02) 7798-8000.
Ang KonsultaMD ay nasa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate incubator sa Filipinas at wholly-owned subsidiary ng Globe Telecom.
Comments are closed.