TELESERYENG BEA ALONZO, ALDEN RICHARDS INAABANGAN

HEARTFULLY

EQUALLY excited sina Alden Richards at Bea Alonzo sa pagsisimula ng lock-in tapings nila sa kanilang kauna-unahang teleserye. Tila mas mauuna pa itong ipalabas kaysa sa movie nilang gagawin, ang Pinoy adaptation ng isang Japanese movie na may working title na “A Special Memory.”

Korean novel naman na gagawin nina Bea at Alden ay may pamagat na “Start-Up”. Gagampanan ni Alden ang role ng male lead star na si Nam Do-san, isang math genius, kung saan ang kanyang negosyo ay naging matamlay ang income nang halos dalawang taon.

“This is my first K-drama     adaptation project. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na mabigyan ng opportunity to be able do something na hinahanap ng audience. Very relatable ang story, especially for young people who want to make good in their own careers, at pati yung pagkaka-deve­lop ng love story between the two lead characters. I’m also looking forward to finally get to act with Bea in a show like this,” say ni Alden.

Gagampanan naman ni Bea Alonzo ang role ni Bae Suzy. Bilang Seo Dal-mi, isang ambisyosa at passionate sa kanyang piniling karir.

“Nakakatuwa. Kasi even before I signed up formally with GMA, in my first meeting with the Kapuso bosses, na-pitch na nila sa akin ang project na ito and this is really one of the reasons why I decided to move to GMA. And now, it’s finally happening,” ang say naman ni Bea.

QUEENIE MAE DS TOLIN SA You Tube Bulilit

NAKAKA-impress itong si Queenie Mae DS Tolin. Kahit 10 years old pa lang ay cast na sa online children comedy gag show na “You Tube Bulilit” na idinedirehe and conceptualize ng batang-batang direktor na si Julius P. Bergado.

Sa launching ng naturang online children gag show, ipinamalas ni Queenie ang kanyang ang­king galing sa pag-arte. Mahusay siya sa drama, pagsayaw at pagkanta. For sure, mapapansin si Queenie sa showbizlandia. Ayon kay Direk Julius, may gagawin nang movie si Queenie na ang working title ay “Miracle in Milagros Avenue”. Last year pa itong nakaplanong gawin pero dahilan sa pandemya, na-hold muna. Anytime soon, sisimulan na ang shooting nito. Watch out for Queenie.

JANELLA SALVADOR, MARKUS PATERSON WALA PANG BALAK MAGPAKASAL

MATAGAL na rin naman na partner sina Janella Salvador at Markus Paterson, at malaki na rin ang kanilang anak. Pwede nang maging ring bearer sa kasalan. Pero hanggang sa ngayon, tila wala pang linaw kung magpapakasal ang dalawa o hindi.

“Wag na muna. Mata­gal-tagal pa ‘yun. Di pa namin iniisip,” ang say ni Janella. “Syempre gusto ko pag nagpakasal, sobrang okay ang lahat. Stable ka financially, emotionally, lahat. We’re still learning new things about each other and how we are as parents so hindi pa namin naiisip yung, ‘pakasal na tayo’ ganon, wala pa,” ang dagdag pa ni Janella.

Sa ngayon bukod sa abala sa anak nila ni Markus ay tuloy-tuloy pa rin ang tapings niya sa latest seryeng ginagawa para sa Kapamilya Channel, ang “Darna” na kung saan si Janella ang lalabas bilang si Valentina, ang mortal na kalaban ni Darna na gagampanan naman ni Jane de Leon.