TELL BELL WAGI SA 2023 PHILRACOM MAIDEN STAKES

horse racing

NAIUWI ng pre-race favorite Tell Bell ng Bell Racing Stable ang Philracom 2023 3YO Maiden Stakes sa wire-to-wire fashion sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas.

Kinontrol ng Sakima mula sa Don’t Tell Ella progeny bred ng SC Stockfarm ang buong 1400-meter race sa oras na 1:26.2 na may quarters na 13’-22’-23’-27.

Hindi ininda ng Donnie Sordan-trained at Jonathan Hernandez-mounted three-year-old chestnut filly ang pressure na ibinigay nina outsider Melania at Grandi Moments tungo sa panalo

Maging sa final stretch ay walang nakadikit sa Tell Bell kung saan ang kanyang pinakamalapit na challenger ay tatlong lengths ang layo. Nagkasya ang Prime Billing sa ikalawang puwesto habang kinuha ng Glamour Girle ang ikatlo at ika-4 ang Melania.

“Pinagbuti ko lang ‘yung lundag nung sakay ko tapos napansin kong hindi niya ininda ‘yung pressure nina Melania kaya napalamig ko pa si Tell Bell,” wika ni Jockey of the Year winner Hernandez sa post-race interview.

“Congratulations to Tell Bell, Elmer de Leon and Bell Racing Stable, Donnie Sordan and Jonathan Hernandez for bagging this victory. Our next event will be the Commissioners’ Cup whose Divisions 2 and 3 will be held on February 25, while the main event Division 1 will be on February 26,” sabi ni Philracom Chairman Reli de Leon.