(Text and photos by MHAR BASCO)
INIHALINTULAD sa Temple of Parthenon ng Acropolis, Athens ang makabagong tourist attraction ng Cebu City na Temple of Leah. Ito ay simbolo ng walang kamatayang pag-ibig ni Teodorico S. Adarna sa asawang si Leah Villa Albino-Adarna ang nag-udyok para maitayo ang monument ng pag-ibig noong 2012.
May sukat na 500, 000 square meter na matatagpuan sa gilid ng kabundukang sakop ng Barangay Busay sa Roosevelt Street. Katuwang ni Teodo-rico para maipatayo ang templo ay ang kahusayan sa construction ni Alan Modesto Adarna, gamit ang mga heavy equipment. Nag-contribute din ng malaking halaga mula sa kanilang hotels income sina Epoy at Jumboy Adarna noong mga unang araw ng construction.
Maging ang kaisa-isang anak na babae sa apat na magkakapatid na si Arlene Mae Adarna at iba pang kapamilya ay tumugon na rin sa malapalasyong pagawain. Hindi maikakaila na si Teodorico ay lolo ng Pinay actress/model na si Ellen Meriam Go Adarna na ang pamilya ay nagmamay-ari ng hotels, resorts, condominium at Queensland, a chains of motels sa Cebu, Manila at Davao. Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang construction ng Temple of Leah na sinasabing matatapos sa 2020. Bukas ang malawak na entrance gate sa mga lokal at dayuhang turista. May kaukulang entrance fee na P50 kada turista habang P30 naman sa Senior Citizen (kailangan ipakita ang SC card).
Kabilang sa 7 na palapag na templo na may 24 chambers ay ang art gallery, museo, at ang silid-aklatan kung saan lahat ng libro at iba pang paboritong babasahin ni Leah ay nakasalansan. Sa labas na harapan ng templo ay may statue sa base ng fountain. Matatanaw sa gilid ng templo ang pan-oramic view ng Cebu City at karatig lungsod. Animo’y ancient temple ng Olympus ang bukana dahil sa tuktok nito ay may iba’t ibang statue ng ancient Greek gods at goddess na gawa sa marmol. May dalawang replica rin ng lion na kulay ginto (brass) na animo’y bantay sa entrance ng nasabing templo.
Nakapuwesto sa gitnang bahagi ng gusali ang 9-pulgadang statue ni Queen Leah na sinasabing nagkakahalaga ng P4 milyon. Naglalakihang aranya na salamin ang nakakabit sa kisame ng templo. Marmol din ang disenyo ng staircase at sahig na marmol. Maging ang posteng marmol (columns) na sinasabing tatlo-katao na magkakapit-kamay ang sukat ng diameter.
Base sa kasaysayan, si Leah Villa Albino, 16; at Teodorico S. Adarna, 19, ay nag-isang dibdib sa loob ng 53 taon kung saan sumibol ang apat na anak na sina Allan, Arlene, Arthur, at si Alex. Sa apat na anak ni Teodorico ay sumilang ang 16 na apo kabilang na si Ellen Adarna. Lumipas ang panahon ay nakapagpatayo ng bahay ang pamilya Adarna sa loteng may sukat na 2, 500 square meter sa kilalang Ma. Luisa Subd.
Sinasabing si Leah ay binawian ng buhay sa edad na 69 dahil sa lung cancer noong 2012. Muling nag-asawa si Teodorico at nanirahan sa Davao hanggang sa magsilbing ancestral home ang kanilang bahay sa nasabing subdivision.
Inaasahan sa mga darating na panahon ay mananatili ang Temple of Leah na maging landmark ng Cebu. Nakaukit sa ibaba ng kulay gintong statue ni Queen Leah na may korona at hawak na bulaklak ay ang mga katagang:
Beloved Wife and Mother.
Leah V. Albino-Adarna was chosen Matron Queen of her Alma Mater, the University of Southern Philippines. This nine-foot bronze statue por-trays her composure and regal bearing when she was crowned. May the beholder discern her innate beauty, poise and genteelness.
Signed:
Teodorico Soriano Adarna
Born December 13, 1938
May malaking kuwadro na gawa sa brass sa gilid ng statue ni Queen Leah kung saan naka-post ang mga ganitong kataga: “I built this temple in 2012 A.D. as a symbol of undying love for and ceaseless devotion to LEAH ALBINO ADARNA, my wife for 53 years. In honour of her lifetime passion, Leah’s collections of antiques, books, special objects and memorabilia amassed from our foreign trips are enshrined and well-preserved inside the 24 chambers of this temple. To erect this grand edifice, I cut the top of a mountain where it’s now gracefully rises. The classic and striking architec-tural design of this temple took its inspiration from a world heritage site, the Parthenon of Greece-an important monument dedicated to the patron-goddess Athena and admired for more than 2, 500 years. Using advanced construction technology, this temple is build to withstand the test of time and is hoped to retain its grandeur and beauty in the next 3,000 years. Signed: Teodorico S. Adarna Jr.
Sa loob at labas ng monumento ay kanya-kanyang photo/selfies ang mga turista. Base sa mga namamahala sa Temple of Leah, kinakailangan magparehistro at may bayad na P2,500 kapag pre-nuptial wedding shots subalit hindi pinapayagan na maging wedding area ang nasabing temple. May mga bronze statue rin ng anghel na hawak ang trumpeta. Sa basement ng templo ay bubungad ang mga bronze statue ng agila na upuan. Sa mga ba-guhang turista sa Cebu City, mas advisable na kontakin ang Grab kaysa habal-habal o taxi para marating ang Temple of Leah. Wala pang isang oras na malilibot ang nabanggit na templo kaya maaring kausapin ang Grab driver na mag-park sa labas ng entrance gate subalit may karagdagang fees.
Gumuhit din ng kasaysayan ang Temple of Love sa maliit na isla ng Parc, Paris na naitayo noong 1778. Base sa kasaysayan, ipinag-utos ni Queen Marie-Antoinette (last queen of France) sa kanyang architector na si Mique na magdisenyo para maitayo ng nasabing templo. Ang templo ay bilang tanda ng marubdob na pag-iibigan ng hari at reyna. Naghintay ng ilang taon si King Louis-Auguste para pakasalan ang kanyang reyna na 14-anyos pa lamang. Sa gitna ng templo ay ang Bouchardon statue. Sa kasalukuyan ay dinadagsa ng mga mag-asawa ang Temple of Love sa Paris para mag-renew ng kanilang kasal. Isa sa paniniwalang bumabalot sa nasabing monumento ay ang sharing of kisses ng mag-asawa sa gitna ng templo dahil ito raw ang magpapanatili at magpapatibay ng kanilang pagmamahalan.
Comments are closed.