IPINATUPAD na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang temporary travel ban sa lahat ng turistang magmumula sa mainland China, Hong Kong at Macau sa gitna pa rin ng pagkalat ng 2019-novel coronavirus (2019-nCoV) mula sa Wuhan, Hubei Province.
Nagpasya ang Pangulo na pakinggan ang mga suhestiyon ng mga opisyal ng gobyerno at health experts para magrekomenda at agad na magpatupad ng hakbang ng pag-iingat para sa proteksiyon ng mga Filipino.
Una nang ipinagbawal ng Pangulo ang pagpapasok sa bansa ng mga biyahero mula sa Hubei Province kung saan naroon ang Wuhan City na siyang pinagmulan ng coronavirus.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, binigyang konsiderasyon ng Pangulo ang mga alalahanin na ipinaabot sa kanya ng kanyang mga gabinete at iba pang opisyal kasama na ang mga eksperto sa kalusugan
Comments are closed.