TENG SA ALASKA PA RIN

Jeron Teng

MANANATILI si Jeron Teng sa Alaska Aces makaraang bigyan siya ng koponan ng panibagong three-year contract na nagkakahalaga ng maximum salary.

Pumirma si Teng noong Biyernes ng kontrata sa koponan na kumuha sa kanya  fifth overall sa 2017 Philippine Basketball Association (PBA) Draft.

“I’m happy and blessed to still be able to play for the Alaska Aces,” sabi ni Teng.

Si Teng ay may average na 11.3 points, 4.9 rebounds, 0.8 steal, at  0.3 block kada laro para sa Alaska noong nakaraang season. Nagtala rin siya ng career highs sa field goal percentage (41.4 percent), three-pointers (31.2), free throws (76), at assists (4.3 assists per game).

Sa walang katiyakang kalagayan ni Vic Manuel bagama’t pumirma na ito ng bagong kontrata, si Teng ang aasahan ng Aces sa susunod na PBA season

Nauna na ring pinapirma ng kontrata ng Alaska sina Yousef Taha at Gab Banal. CLYDE MARIANO

Comments are closed.