TERM EXTENSION, MALABO

bato dela rosa

MALABONG mapalusot ang  mungkahing term extension lalo’t na­lalapit na ang eleksiyon.

Ito ang iginiit ni Sen. Bato dela Rosa dahil imposibleng umusad ang panukala para sa pagpapalawig ng termino ng mga elected official.

Ito’y matapos ihain ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. ang panukalang pahabain pa ang termino ng pangulo, pangalawang pangulo, mga mambabatas, governors, mayors, at iba pa.

Ayon kay  dela Rosa, imposibleng pumabor dito ang mga senador.

Nilinaw rin ni Bato na hindi nila napag-uusapan sa loob ng partido PDP-Laban ang patungkol sa term extension.

Matatandaan si Bato at Gonzales ay parehong miyembro ng ruling party.  LIZA SORIANO