HINDI makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng term sharing sa speakership sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.
Sa talumpati ng Pangulong Duterte sa joint birthday celebration ni Congressman Velasco at kanyang maybahay na si Rowena noong Lunes ng gabi ay sinabi niyang bahala na ang mga kongresista kung paninindigan nila ang kanilang usapan.
“ I’m not forcing anybody to take a stand,” giit ng Pangulo.
“It’s your choice because the agreement and the choice is yours. ‘Cause you can make or unmake the Speaker,” wika pa ng Pangulo.
Noong nakaraang Hulyo ay matatandaang si Pangulong Duterte ang nagrekomenda na magkaroon ng term sharing ang dalawa para maresolba na ang agawan sa speakership sa pagitan ng dalawang mambabatas.
Nagkasundo sina Cayetano na maupong speaker ng 15 buwan habang si Velasco naman ay mauupong speaker sa loob ng 21 buwan.
Samantala, sa pinalabas na statement ng Malakanyang ay muling iginiit ang mahigpit na pagtutol ni Pangulong Duterte sa pagsabak ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa pagtakbo bilang pangulo para sa 2022 elections.
“Considering the rigors of being the country’s chief executive, the President said he does not want his daughter, Mayor Sara Duterte-Carpio, to vie for the top post,”sabi pa sa statement. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.