TERMINOLOGY SA DEFENSIVE DRIVING ALAMIN

patnubay ng driver

GOOD day mga kapasada!

Sa obserbasyon ng pitak na ito, talagang hindi tayo magkakaroon ng tinatawag na pakikipaghiwalay sa pinaka-cardinal rule ng siyensiya sa pagmamaneho (science of driving) na sa terminolohiya sa agham ng transportasyon ay ang tinatawag na “THE ART OF DEFENSIVE DRI­VING.”

Sa  maraming traffic violation na nakakatagpo araw-araw ng pitak na ito sa pamamagitan ng “kin observation” lumilitaw tuwi-tuwina na ang dahilan sa paglabag ng mga driver sa alituntunin ng batas trapiko ay may kinalaman sa tinatawag na “IGNORANCE OF THE LAW ON TRAFIC.”

Gawin nating ha­limbawa ang rule on “STOP” na may kambal na kahulugan tulad ng “PAGHINTO AT PAGPARADA.

Kung mayroon man, bibihira ang drayber, lalo kung ang minamaneho ay pampasaherong sasakyan ang gumagamit ng wastong pook sa pag­lulunsad at pagsasakay ng pasahero.  Wala silang pakialam anuman ang maging implikasyon noon sa madla o sa kanyang katauhan bilang drayber.

Ang mahalaga sa isang drayber ay makakuha ng pasahero para lumaki ang kita sa kanyang pamamasada.  Ngunit may kabutihan bang ibinubunga ang ganitong pag-uugali ng isang kapasada?

Linawin natin mga kapasada para maiwasan ang paulit-ulit nating pagkakamali at unawaing mabuti ang kambal na kahulugan ng “STOP AT STOP” para maiwasan natin ang multa sa TVR (traffic violation receipt) mula sa isang apprehending traffic enforcer.

Ayon sa depinisyon ng Paghinto at Pagparada, ang drayber ay nakahinto kung siya ay tumitigil nang DEFENSIVE-DRIVING-PILIPINO-MIRRORhindi lalagpas sa limang minuto upang kumuha o magsakay ng pasahero o anumang kargada.

Siya naman ay nakaparada kung nakahinto ang kanyang sasakyan nang matagal sa gilid ng daan o sa parkeng area.

Nilinaw ng Land Transportation Office (LTO) nakasaad sa batas ng trapiko, kung wala ang drayber ng nakaparadang sasakyan, kailangang patay ang ignition at makina at naka “on” ang handbrake.

BAWAL HUMINTO O PUMARADA SA MGA SUMUSUNOD NA LUGAR

Kabilang sa ipinagbabawal huminto o pumarada ang anumang uri ng sasakyan sa mga pook o lugar tulad ng:

  1. Sa tabi ng riles ng tren liban kung may 10 metro ang distansiya nito.
  2. Sa gilid ng bangketa hangga’t walang 18 pulgada ang distansya.
  3. Sa tunnel, tulay o underpass.
  4. Sa mga takdang tawiran ng tao.
  5. Sa tabi ng safety zones.
  6. Sa tabi ng boka-insendiyo o fire hydrant.
  7. Sa sangang daan.
  8.  Kulang ng limang metro sa ginagawang kalsada.
  9. Sa pasukan at labasan ng mga paradahan liban kung may tatlong metro ang layo rito.
  10. Sa tabi ng sasak­yang nakaparada sa kalsada o highway.
  11. Sa lahat ng lugar na may tanda na bawal huminto, bawal humimpil o “do not obstruct”.

Kung masiraan ng sasakyan sa mga lugar na nabanggit, mumultahan kayo maliban na lamang kung mabilis na magagawan ng paraan ang sitwasyon.

Ang kagyat na lunas para makaiwas sa multa ay itulak o hatakin ang nakatirik na sasakyan sa gilid o sa shoulder ng daan.  Dapat ding gumamit ng Early Warning Device (EWD) para balaan ang ibang mga drayber sa pagkasira ng sasakyan.

SA PAGPARADA NAMAN, ISIPIN ANG MGA SUMUSUNOD:

  1. Kung ang pagpaparadahan ay pataas, ­ilayo ang unahang gulong sa bangketa. Iatras nang bahagya ang sasakyan hanggang ang huling gulong ay sumandal sa gilid ng bangketa.

Kung walang bangketa, lagyan ng harang ang gulong sa likuran.  Para ligtas, ilagay sa primera ang kambiyo at hataking mabuti ang parking brake.

  1. Kung pababa ang paradahan, ipihit ang unahang gulong patu­ngong bangketa o gilid ng kalsada. Kung walang bangketa, lagyan ng halang ang unahang gulong. Makabubuti ring ilagay ang gear shift sa reverse at hatakin din ang parking brake.

ANG KAHALAGAHAN NG DRIVING LICENSE

Sa ilalim ng ating batas, R.A. 4136, hindi tayo puwedeng magpatakbo ng anumang sasakyan nang walang lisensiya. Dahilan: maaaring magmulta kayo ng malaking halaga at mabilanggo tuwing mahuhuli na driving without license.

Ayon sa LTO, ang intensiyon ng gobyerno sa pagbibigay ng lisensiya ay isang pagpapatunay na tayo ay may sapat na kaalaman at kakayahan sa pagmamaneho nang matiwasay. Kaya nga’t tayo ay magdaraan muna sa pagiging student driver bago makakuha ng driver’s license bilang isang ganap na driver.

Binigyang diin ng LTO na ang pagmamaneho ay isang pribilehiyo at hindi isang karapatan.  Ang lisensiya ay kaila­ngang dala natin (at ang papeles ng rehistrasyon ng ating dalang sasakyan ay kailangan namang nakapaskel sa windshield) tuwing tayo ay magpapatakbo ng isang sasakyan kung ayaw rin lamang nating magmulta ng kaukulang halaga na itinakda ng batas.  Kung hihingi, dapat din nating isuko ang ating lisensiya sa pulis o sinumang opisyal na may karapatang kumuha nito kapag tayo ay lumabag sa ­alinmang regulasyon ng trapiko.

MGA DAPAT GAWIN SA PAGKUHA NG LISENSIYA

drivers-license-pilipino-mirrorSa totoo lang, maraming malalakas ang loob na dahil sa natuto silang magmaneho, ang kanilang paniniwala ay puwede na silang magdala ng sasakyan saan man nila gustong dalhin ito.

Hindi basta natutong magpatakbo ng sasakyan ay puwede nang magmaneho sa lansangan.

Kailangan ng sinumang drayber ang lisensiya para magtaglay ng lehetimong pahintulot upang makapagmaneho.

Ang lisensiya ay siyang pribilehyo o permisong ibinibigay ng Land transportation Office para makapagmaneho.  Tatak ito ng pagkilala sa kakayahang humawak ng manibela at pagtitiwala sa kakayahang makapagmaneho nang ligtas sa anumang aksidente.  Bakit?

  1. Dahil unang-una, kailangang dumaan muna sa mga pagsubok at mayroon ding nakasulat na pagsubok.
  2. Sa nakasulat na pagsubok, kailangang masagot nang tama ang iba’t ibang tanong.
  3. Tungkol sa mga ito sa kaalaman ng mga senyas sa kalsada at sa wastong pagsunod ng mga ito; tungkol din sa mga wastong asal at batas na dapat sundin sa iba’t ibang pagkakataon para maiwasan ang aksidente.

4.Halimbawa, ano ang dapat unang gawin pagdating sa isang krus na daan (intersection)?

  1. Bakit hindi puwedeng lumusot sa bukana ng tulay?
  2. Ano ang mga ga­mit pangkaligtasan kapag nagmamaneho sa gabi?
  3. Gaanong distansiya ang dapat ibigay sa sinusundang sasakyan?
  4. Bakit dapat magnenor sa dilaw na ilaw?

May mga tamang tanong din tungkol sa mga patakaran ng Land Transportation Office.  Halimbawa, kailan ang huling araw sa pagbabago o renewal na lisensiya?

Magkano ang multa sa pag-ingat ng pasong lisensiya?

Saan ipinarerehistro ang sasakyan?

Magkano ang multa sa kolorum? Kailan ba­wal makipag-usap sa pasahero ang drayber?

Gaano katagal ang gamit ng Temporary Operator’s permit o TOP?

Paano ang paggamit ng Early Warning Device (EWD)?

Ang sino mang mag-aplay para sa student permit ay kailangang makakuha ng 20 tamang sagot sa isang set ng 15 tanong.

TAKE NOTE:  Iwasan ang pag-inom ng mga nakalalasing na inumin kapag magmamaneho.

HAPPY MOTORING!

KAUNTING KAALAMAN – Pinapayagan lamang ang paglusot sa kanan kung ito ay ligtas at kung ang drayber na sinusundang sasakyan ay nagsesenyas ng likong kalikwa; sa mga highways na may dalawahan o higit pang lanes na iisa ang direksiyon at sa mga one-way traffic street.

Laging tatandaan: Umiwas sa aksidente upang buhay ay bumuti.

Comments are closed.