PARAÑAQUE CITY- HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Swedish national at 3 pang kasama nito dahil sa hinalang pawang sangkot sa terrorism activities.
Tumanggi naman si BI port operations division chief Grifton Medina na pangalanan ang nasabing pasahero “for security reasons” na dumating sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 5 mula sa Singapore.
Dagdag pa nito na maging ang tatlo pang dayuhan na kasabay nito ay pinigil din at agad na pinabalik sa pinanggalingang bansa.
Sinabi pa ni Medina na base sa kanilang Interpool database na ang dayuhan ay nauugnay sa terrorist activities.
Paliwanag ni Medina na ayon sa immigration act, ang ahensiya ay maaring tanggihan ang sinumang pinaghihinalaang terorista.
Nabatid na ang nasabing dayuhan at 3 pang kasabayan nito ay pawang mga Iraqi descent na mula sa Iraq’s Kurdistan region kung saan ang kanilang kinanununuan ay lumalaban para makamit ang Kalayaan ng Kurdish state. PAUL ROLDAN/FROI MORALLOS
Comments are closed.