SA IKATLONG sunod na season, ang Columbian Autocar Corp. franchise ang may hawak ng karapatan sa first pick sa annual PBA Draft.
Ang Terrafirma ang unang pipill sa draft pool sa 2021 draft na nakatakda sa March 14, na kukuha ng isa pang No. 1 selection kasunod nina CJ Perez noong 2018 at Roosevelt Adams noong 2019.
Ito sana ang ika-4 na sunod na No. 1 draft pick para sa Terrafirma kung hindi nila isinuko ang kanilang karapatan noong 2017 sa isang trade deal sa San Miguel Beer. Kinuha noon ng Beermen si Christian Standhardinger bilang top pick.
Base sa performance ng mga koponan sa 2019 PBA Philippine Cup bubble play sa Clark, ang Terrafirma ang unang pipili sa Season 46 draft, kasunod ang NorthPort at NLEX sa bisa ng nakalipas na trade deal sa Blackwater.
Ang NLEX ay pipili rin sa No. 4 base sa natural order, kasunod ang Rain or Shine, Magnolia, Alaska, San Miguel Beer, Meralco, Phoenix Super LPG, NorthPort (mula sa nakaraang deal sa TNT) at Barangay Ginebra.
Ang second round ay sisimulan kung saan ang NorthPort ang unang pipili base sa naunang transaksiyon sa Terrafirma at NLEX.
Nasa No. 2 ang Blackwater (mula NorthPort via Meralco), pagkatapos ay ang Elite squad kasunod ang Phoenix (mula NLEX), Rain or Shine, Magnolia, Alaska, NLEX (mula SMB via NorthPort), Alaska (mula Meralco via Phoenix), Rain or Shine (mula Phoenix), Rain or Shine (mula TNT) at Ginebra.
Samantala, lumobo na sa 33 ang bilang ng draft applicants sa pagkakadagdag kina dating Lyceum Pirate center/forward Seraj Elmejrab at guards John Jeryl Espanola mula sa UP at Terrence Tumalip mula St. Vincent.
Ang official list ng eligible draft applicants ay ipalalabas makaraan ang pagsusuri ng PBA Commissioner’s Office sa lahat ng isinumiteng requirements.
Pinakaaabangan ang mga dokumento nina marquee Fil-foreign applicants Jason Brickman, Brandon Ganuelas-Rosser at Jeremiah Gray. CLYDE MARIANO
Comments are closed.