TERRITORIAL WATERS HIHIGPITAN VS DRUG SYNDICATE

INATASAN na rin ni Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Guillermo Eleazar ang Maritime Group na makipagkoordinasyon sa Philippine Coast Guard para masawata ang aktibidad ng drug syndicate na dumaraan sa katubigan ng bansa.

Sa kanyang direktiba kay MG Director, BGen. John Mitchel Jamili, dapat maging pursigido ang pagbabantay sa karagatan katuwamg ang PCG para hindi makapuslit ang droga sa bansa.

Ang hakbang, ayon kay Eleazar ay upang pigilan ang ilegal na aktibidad ng international at local drugs syndicates gamit ang karagatan bilang entry at exit points.

Dagdag pa ni Eleazar na alinsunod sa utos nina Presidente Rodrigo Duterte at Interior Secretary Eduardo Año, ay kanya nang pinalakas ang operasyon laban sa mga sindikato ng droga.

“As per directives of President Rodrigo Duterte at SILG Eduardo Ano, I have already directed our Maritime Group to strengthen the coordination and interoperability with the Philippine Coast Guard to shield our territorial waters and coastlines from smuggling of illegal drugs into the country,” ayon kay Eleazar. EUNICE CELARIO

7 thoughts on “TERRITORIAL WATERS HIHIGPITAN VS DRUG SYNDICATE”

  1. 108550 76064The subsequent time I read a weblog, I hope that it doesnt disappoint me as a whole lot as this one. I mean, I know it was my option to read, but I truly thought youd have something attention-grabbing to say. All I hear is actually a bunch of whining about something which you possibly can repair really should you werent too busy on the lookout for attention. 886711

Comments are closed.