IPINAGMALAKI ng TESDA Bicol ang kanilang mga talentadong representante sa Filipino Kusina Warrior, isang pambansang kompetisyon sa pagluluto na ginanap sa Araw ng Kalayaan ng Pilipinas kahapon (Hunyo 12) sa Quirino Grand Stand.
Kumakatawan sa Rehiyon 5 na may natatanging kasanayan sina Ma. Frances Rieza at Segred Joseph Sorita mula sa Saint Francis Caracciolo Culinary Academy at Anjanette Cañas at Francis Eduard De Cadag ng Camarines Sur Institute of Fisheries and Marine Sciences (CASIFMAS).
Nasungkit ni Rieza ang 2nd Runner Up award sa kanyang napakasarap na Formosa Seafood Pancit samantalang naiuwi ni Cañas ang pinakamataas na premyo na idineklarang Champion para sa Adobo-cooking Competition for Kids.
Si Cadag naman ang nag-uwi ng 2nd Runner Up award para sa Pancit-Cooking Competition for Kids.
Kaugnay nito, ipinaabot ng TESDA Bicol ang pagbati sa nasabing grupo dahil sa kanilang galing at dedikasyon sa kumpetisyon.
RUBEN FUENTES