NAGBIGAY ng training ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa ilang mga magsasaka sa Palawan tungkol sa organic farming at animal raising sa isang farm tourism destination sa Puerto Princesa.
Sa mahigit na isang buwan, lumahok ang farmer-scholars sa TESDA national certificate level II (NC-II) accredited programs na sakop ang agricul-ture-related short courses noong Disyembrelast sa Barangay Bacungan, ayon sa Yamang Bukid Farm.
Kalakip ng programa ang kurso sa organic fertilizer making, hog raising, field budding at grafting, propagation activities na tungo sa horticulture, an-imal production for poultry-chicken.
Sinabi ni Bro. George Maria, Yamang Bukid Farm Palawan vice president for community relations, ang scholarship ay ipinasa sa grassroots-based beneficiaries sa ilalim ng opisina ng Palawan Rep. Gil Acosta Jr.
Ang scholar-graduates ay ginawaran ng TESDA certification sa production ng iba’t ibang halo na tungo sa agriculture crops production, plants crops leading to agricultural crops production, at land preparation for agricultural crops production.
Patuloy na pagtutulak ng gobyerno sa pamamagitan ng TESDA, ng farming education sa rural communities sa mithi nitong buhayin ang sektor ng agrikultura sa bansa.
Ang mahigit na 20-ektaryang farm destination, na kilala dahil sa kanyang magandang sunflower gardens, ay nauna nang bigyan ng akreditasyon bilang learning site para sa sustainable and organic farming ng Department of Agriculture’s Ag-riculture Training Institute (ATI), at bilang farm school ng TESDA.
Comments are closed.