HUMINGI ng tulong si TESDA Secretary at Director General Guiling “Gene” Mamondiong sa kanyang mga tauhan sa kanyang pinaigting na kampanya laban sa korupsiyon sa loob ng kanyang ahensiya.
Sa kanyang pahayag sa harapan ng mga tauhan ng TESDA Central Office sa turnover ng mga bagong opisyal ng TESDA As-sociation of Concerned Employees (ACE), kanyang idineklara na corruption free ang ahensiya noon pang isang taon.
Lumikha ang ahensiya ng national technical audit na nagresulta sa pagkakasara ng 177 technical -vocational institutes noong 2017, lose monitoring at pagsubaybay sa mga TVIs at pagbibigay ng cash reward na P50,000 sa mga whistle blowers sa mga korupsiyon sa TESDA.
Umapela si Mamondiong sa mga opisyal at tauhan ng ACE na magbigay ng mga bagong ideya para la-banan ang anumang uri ng korupsiyon sa ahensiya at ipinangakong bukas ang kanyang opisina sa mga impormasyon at anumang bagay na magkakaroon ng impact sa kanilang trabaho bilang mga tagasilbi sa bayan. BENJARDIE REYES
Comments are closed.