TESDA NAGLUNSAD NG TRAINING SA MGA SUNDALO AT DATING NPA

Tesda

INILUNSAD ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang kanilang program at training para sa mga sundalo at Former Rebels (FRs) sa Headquarters ng 73IB, Brgy Felis sa bayan ng Maltang sa Davao Occidental.

Layunin ng nasabing programa na sinusuportahan ng Department of National Defense na ayudahan ang  Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng  TESDA na nakapaloob sa inilunsad na  programa at pagsasanay  patungkol sa Trainer’s Methodology  (TM1) Level I para sa 25 na kasundaluhan at Cook Hot Meals naman para sa 15 na FRs.

Suportado ni Rep Lorna Bautista-Bandigan, ng Davao Occidental, ang programa ng TESDA na kung saan siya ay magkakaloob ng  assistance upang magamit ng mga participant ang kanilang mga natutunan mula sa TESDA. lalo na ang mga former rebels.

Sa mensahe na ipinarating ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, kanyang binigyang pansin ang mga kasundaluhan na huwag balewalahin ang training ng TESDA sapagkat magagamit nila ito kahit na wala na sila sa serbisyo.

Una nang nagkaroon ng Memorandum of Agreement si TESDA Secretary  Lapena at DND Secretary Delfin  Lorenzana na maging extension trainer ng TESDA ang mga kasundaluhan hinggil sa training programs para sa Indigenous People’s at mga FRs. VERLIN RUIZ

Comments are closed.