TESDA PINARANGALAN

TESDA OFFICE

PINARANGALAN ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng Philippine Quality Award Level 1- “Recognition for Commitment to Quality Management”.

Ang award ay tinanggap ni TESDA Officer-Charge Rosanna A. Urdaneta in-na ipinagkaloob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa idinaos na 2015-2017 Philippine Quality Award and Conferment Ceremony sa Palasyo ng Malacañang kamakailan.

Ang TESDA ay kasama sa 12 private at public organizations na tumang­gap ng  PQA Award para sa taong 2015. Ang mga awardees ay dumaan sa matinding pagsusuri ayon sa mga pinagbabata­yang mga pamantayan ng PQA.

Ito ang kauna-unahang PQA Award na tinanggap ng TESDA. Ang TESDA ang kauna-unahang government education agency na tumanggap ng prestihiyosong award sa bansa.

Ang PQA ang pinakamataas na quality award para sa excellent performance in total quality management sa bansa.

Ito ay may apat na award and recognition levels: Level 1-Recognition for Commitment to Quality Management; Level 2-Recognition for Proficiency in Quality Management; Level 3-Recognition for Mastery in Quality Management; at Level 4-Philippine Quality Award for Performance Excellence.

Layunin nito na isulong ang mga pamantayan sa organizational performance kumpara sa nangungunang mga negos­yo/organizations abroad; itatag ang pambansang sistema para bigyang hal-aga ang kalidad at productivity performance kapwa sa pribado at pampublikong organisasyon; at pagkilala sa mga organisasyon na naabot ang pinakamataas na antas ng kalidad at business excellence, na magsisilbing huwaran. MARIVIC FERNANDEZ

Comments are closed.