TESDA REGION 2 NAGPAMAHAGI NG RELIEF GOODS SA TAAL VICTIMS

Tesda-relief

BATANGAS – SA patuloy na pagbuhos ng mga tulong na mula sa iba’t ibang lalawigan sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Taal Volcano ay namahagi rin ng libo-libong cookies, muffins isang uri ng tinapay na hindi madaling masira kabilang ang face masks, ang pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Region 2 sa mga evacuee.

Ayon kay Acting Regional Director Demetrio Anduyan ng TESDA Region 2, sa tulong ng mga estudyante ng nasabing ahensiya, gumawa ng tig-2,000 cookies, muffins at face masks, ang anim na paaralan sa ilalim ng TESDA sa buong lambak ng Cagayan.

Ang nasabing cookies at muffins ay ginawa ng kanilang mga estudyante sa bread and pastry production habang ang mga face mask ay tinahi naman ng kanilang mga estudyante sa tailoring at dressmaking, at ang hakbang na ito ay utos ng kalihim ng TESDA na si Secretary Isidro Lapeña.

Inatasan ng kalihim ang lahat ng mga paaralan ng TESDA sa buong bansa na gumawa ng mga pagkain na hindi agad masisira gayundin ang face mask.

Bukod umano sa mga nasabing tulong ay may ibinigay na P40,000 mula sa kanilang mga provincial office sa nasabing rehiyon. IRENE GONZALES

Comments are closed.