TESDAMAN, PINASALAMATAN ANG PAG-ENDORSO NG 3 PRESIDENTIABLES

NAGPAPASALAMAT si reelectionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva sa tatlong presidentiables sa pag-endorso sa kanya na muling makabalik sa Senado para sa halalan sa Mayo 2022.

Kabilang sa presidentiables na nag-endorso at nagsama sa kanilang senatorial line-up ng pangalan ni Villanueva ay sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo “Ping” Lacson at Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Villanueva, ito ay patunay na nakita ng tatlong nagnanais na maging Pangulo ang kahalagahan ng pagsulong sa usapin ng trabaho at kabuhayan, na pangunahing adbokasiya ni Tesdaman.

“Very humbled po tayo sa pagkilala sa ating naging trabaho at work ethic sa Senado. Iba-iba man ang mga partido at pananaw sa sari-saring usapin at isyu, pinagbubuklod po tayong lahat ng iisang adbokasiya at layunin at ito ay ang lumikha at gumawa ng trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan. Marami pong salamat sa tiwala,” giit ni Villanueva.

At ang tinutukoy ni Villanueva ay bukod sa paggawa ng mga batas at paghahain ng mga panukalang batas ay nakapaglikha rin ito ng dagdag na trabaho para sa mga mamamayan.

“Lubos po tayong nagpapasalamat at nalulugod sa pagsama kay TESDAMAN bilang guest candidate nina VP Robredo, Senator Lacson, Pacquiao at iba pang mga presidential candidates,” ani Villanueva, chairman ng Senate labor committee na nagsusulong ng mga polisiyang may kinalaman sa trabaho at kabuhayan ng manggagawang Pilipino.

Si Villanueva ay nahalal noong 2016 bilang senador matapos na pumangalawa sa mga nanalong senador at nakakuha ng botong 18,459,222 ngunit bago pa man maihalal siya ay nanungkulan bilang Director General ng TESDA mula 2010 hanggang 2015. Sa kanyang pagpapalawak ng tech-voc training, higit na 20 milyong Pilipino ang natulungan ni Villanueva, na chairman rin ng Senate higher and technical-vocational education.

Ilan sa mga panukala niya na naging isang ganap ng batas na siya ang pangunahing may-akda ito ay : 1. Doktor para sa Bayan, 2. Work from Home law, 3. Tulong Trabaho law, 4. Job Safety and Health Standards at 5. First-time Jobseekers Assistance Act.

Sa kasalukuyan ay mayroong 500 panukalang batas ang naihain ni Villanueva simula nang siya ay umupong senador at 82 dito ay pawang naging ganap ng batas.

Layon ni Villanueva na muling mahalal upang makalikha pa ng mga karagdang batas na magbibigay ng proteksyon sa ating mga manggagawa.

Nais din ni Villanueva na isulong ang paglikha ng trabaho, pagbibigay ng sapat na edukasyon para sa bawat mamamayan, sapat at tamang serbisyo sa lahat ng mamamayan, dignidad ng bawat isa at pag-asenso ng bawat Pilipino.

Comments are closed.