Tesla Cybertruck on the go

Medyo natagalan, pero finally, on sale na ang Cybertruck. Inihahandog ng Tesla ang bagong electric pickup sa tatlong configurations – rear-wheel drive, all-wheel drive, at Cyberbeast. Kumpleto sa Cyberbest ang lahat ng bells at whistles na may 845 horsepower at 2.6-second 0-60 time. Kaya nito ang bigat na 11,000 pounds at aabot sa 320 miles sa isang charging lamang. Ang presyo?

Tumataginting na limang milyong piso pataas.

Mahal ba? Yes, para sa ating ordinaryong salaried employees, mahal nga, pero kung tutuusin, hindi talaga dahil suli naman ang presyo.

Hitsura pa lang, ang The 2024 Tesla Cybertruck ay parang mula sa outer space na handang sumabak sa alien race, pero pwedeng pwede itong maging pick-up truck. Stainless ang body, at higit sa lahat, bullet proof. Maaasahan ang electric truck na ito, kaya nga tinawag na Cyberbeast.

Higit pa sa mga nabanggit ang kakayahan ng Cybertruck, at sa mga susunod na taon, mayroon pang madaragdag. Sa launching, ipakikilala ang dual-and tri-motor models na magiging available sa susunod na taon, at magiging all-wheel drive. Meron ding rear-wheel drive single-motor model na ilalabas sa 2025 model year. Sa ngayon, ang 600-hp AWD Cybertruck ay may bilis na 60 mph at ang top speed ay 112 mph. Yung naghahanap ng ultimate performance, Cyberbeast ang para sa kanila, na nagpi-feature ng trio of motors na abot sa 845 horse power. Ayon sa Tesla, kayang mag-teleport ng truck mula zero hanggang 60 mph sa loob lamang ng 2.6 seconds, na ang top speed ay 130 mph. Teleport, kasi nga, cyertruck.

Lahat ng Cybertrucks ay may adjustable air suspension na pwedeng itaas o ibaba at nagbibigay ng 17 inches ng ground clearance. Idagdag pa yan sa dating 35-degree approach at 28-degree departure angles, at ang Tesla pickup na talaga ay masasabing formidable off-road machine.

Hindi pa sinasabi ng Tesla kung gaano kalaki ang battery ng Cybertruck, pero sa estimate ng EPA, aabot ito sa 122.4-kWh. Kung ilalagay sa Supercharger, madadagdagan ang bilis nito ng 136 miles sa loob ng 15 minuto, kumpara sa dating 128 miles. Considering na electric truck ito – meaning, hindi nangangailangan ng gasoline – okay na okay na. Ngunit hindi pa rin kuntento ang Tesla, dahil ang AWD versions ay kayang mag-travel ng 340 miles per charge, at ang Cyberbeast naman ay 320 miles.

Gusto ko ang truck na ito – kahit sa pangarap man lamang. NLVN