TESSIE TOMAS WAGI BILANG BEST ACTRESS SA SUBIC BAY INT’L FILMFEST

INANUNSIYO na ang mga nagwagi sa kauna-unahang Subic Bay International Film Festival na ginanapthe point mula Hunyo 22 hanggang 24 sa Harborpoint Cinemas, Ayala Mall sa Subic Freeport Zone.

Waging Best Actor si RS Francisco para sa pelikulang “Bhoy Intsik” ng Frontrow Entertainment. Ito ang ikatlong best actor award niya para sa natu­rang obra ni Joel Lama­ngan pagkatapos manalo sa 2017 Sinag Maynila at sa 2017 Star Awards for Movies.

Itinanghal namang best actress si Tessie Tomas para sa pelikulang “Old Skool” kung saan ginampanan niya ang role ni Lola Fely, isang 69 year old na biyuda na nangarap ipagpatuloy ang kanyang elementary education pagkatapos mamatay ang kanyang asawa.

Panalo namang best picture ang “Bhoy Intsik” na idinirehe ng multi-awarded director na si Joel Lamangan.

Ang advocacy movie ni Mike Magat tungkol sa edukasyon na “Isang Hakbang” naman ang nag-uwi ng tropeo para sa best ensemble acting.

Nakopo naman ni Dominic Nuesa ang best director award para sa pelikulang “Ang Araw sa Likod Mo”.

Nakuha rin ng “Bhoy Intsik” ang awards para sa mga kategoryang Best Cinematography para kay Rain Yamson at best story and screenplay para kay Ronald C. Carballo.

Winner naman ng best production design si Roma Regala ng “Old Skool” samantalang ang best editing naman ay napanalunan ni Javier Ebola ng “Ang Araw sa Likod Mo”.

Ang multi-awarded musical scorer na si No­nong Buencamino ang na­nalo ng best musical scorer award para sa “Old Skool”.

Ito ang kompletong listahan ng mga nagsipagwagi.

Best Picture: “Bhoy Intsik” ng Frontrow Entertainment; Best Actor: RS Francisco (Bhoy Intsik); Best Actress: Tessie Tomas (Old Skool); Best Director: Dominic Nuesa (Ang Araw sa Likod Mo); Best Ensemble Acting: Cast of “Isang Hakbang”; Best Cinematography: Rain Yamson (Bhoy Intsik); Best Editing: Javier Ebola (Old Skool); Best Story and Screenplay: Ronald Carballo (Bhoy Intsik); Best Musical Scoring: Nonong Buencamino (Old Skool).

Anim na pelikula ang naging kalahok sa kauna-unahang SBIFF. Ito ay ang “Balatkayo”, “Bhoy Intsik”, “Rolyo”, “Old Skool”, “Isang Hakbang” at “Ang Araw sa Likod Mo”.

Ang SBIFF ay brainchild ng beteranang journalist at filmmaker na si Arlyn de la Cruz at ni Vic Viscocho, Jr., ang patnugot ng Subic News at dating Olongapo Head of Public Affairs.

Layunin ng festival na maglaan ng venue para sa mga dekalidad na pelikulang Pinoy na may universal appeal at festival worthy na kaya na­ting ipag­malaki sa buong mundo.

Comments are closed.