SISIMULAN na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa Setyembre ang test period para sa national I.D.
Ayon kay DICT Undersecretary Eliseo Rio, bahagi ito ng ilalatag na test period ng Philippine Statistics Authority (PSA) bilang lead agency sa pagpapatupad ng Philippine Identification System (PhilSys).
Aniya, sinimulan na ng PSA ang pagbili ng mga registration kit na ipakakalat sa mga regional at provincial offices ng iba’t ibang ahensiya ng pama-halaan.
Sinabi ni Rio, target na unang mabigyan ng national I.D. ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s).
Bumili na ang PSA ng mga makina na ilalagay sa mga regional office ng PSA at sa mga postal office na kung saan puwedeng pumunta ang mga tao para mag-register.
“Itong registration kit ay puwedeng kunan ng biometrics, no, ‘yung full facial picture, sampung daliri na finger prints, at of course ‘yung iris scan, ‘yung tatlong ‘yon,” ani Rio. DWIZ882
Comments are closed.