TEXTERS AYAW PAAWAT

TEXTERS VS ACES

Laro ngayon:

(Panabo Multi-Purpose Tourism,

Sports & Cultural Center)

5 p.m. – San Miguel vs Phoenix

INANGKIN ng Talk ‘N Text ang ika-4 na quarterfinal seat makaraang igupo ang Alaska, 92-78, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.

Sinamahan ng Texters ang early qualifiers Phoenix, Rain or Shine at defending champion San Miguel Beer habang nalagay ang kampanya ng Aces sa balag ng alanganin.

Matapos na kunin ang 47-38 bentahe sa first half, tuloy-tuloy ang pananalasa ng Tropang Texters hanggang sa second canto at ipinoste ang ika-6 na panalo sa siyam na laro, habang ipinalasap sa Aces ang ika-4 na kabiguan sa pitong laro.

Kailangang ipanalo ng Alaska ang nalalabing tatlong laro kontra Meralco, San Miguel Beer at NorthPort para makapasok sa susunod na round.

Lumamang ang TNT sa 85-68 sa  huling apat na minuto at nakipagpalitan ng tira sa Alaska hanggang sa matapos ang laro at kinuha ang ikalawang lopsided na panalo makaraang payukuin ang Blackwater, 127-89, noong Marso 9 sa Ynares Center sa Anti-polo.

“Thank you for the win,” sabi ni coach Bong Ravena sa post interview. “We have to win one game at a time.”

Ayon kay Ravena , kailangang naka-focus sila sa depensa dahil ito ang magiging susi sa kanilang tagumpay.

“Our offense is quite good. We have to improve our defense because the next round is getting tougher with the leagues’ tough-est squads, including San Miguel Beer already in the next round,” aniya.

Pinangunahan ni Roger Pogoy ang opensiba ng TNT sa pagtipa ng game-high 24 points, karamihan ay kinamada sa first at third quarter. Gumawa si Pogoy ng limang tres sa pitong attempts, at tatlong defensive rebounds.

Nag-ambag si Troy Rosario ng 15 points para sa TNT, na nagsalpak ng 16 of 28 free throws, 49 rebounds at 25 asissts. CLYDE MARIANO

Iskor:

TNT (92) – Pogoy 24, Rosario 15, Heruela 8, Castro 8, Semerad 8, Cruz 6, Trollano 4, Washington 2, Williams 1, Miranda 0, Casino 0, Bono 0.

Alaska (78) – Cruz 19, Thoss 13, Enciso 12, Banchero 12, Teng 9, Ayaay 6, Pascual 5, Exciminiano 2, Baclao 0, Galliguez 0, Potts 0.

QS: 23-15, 47-38, 74-62, 92-78.

Comments are closed.