TEXTERS IBINAON ANG ELITE

TNT

Laro ngayon:

(Dumaguete City)

5 p.m. – Alaska vs

San Miguel

TUMAPOS sina Ryan Reyes at Troy Rosario na may 18 at 17  points, ayon sa pagkakasunod,  at nag-init ang Talk N Text sa 3-point area sa third quarter nang pataubin ng KaTropa, na walang American reinforcement, ang Blackwater,  120-101, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Tangan ang 61-59 kalamangan sa third quarter, nanalasa ang TNT sa labas at binigo ang Blackwater sa defensive end.

Isang 3-pointer ni Ryan Reyes ang nagsindi sa 15-1 run, na tinapos ng isa pang triple ni  Anthony Semerad.

Sa loob ng limang minuto ay nalimitahan ng TNT ang Blackwater sa field goal.

“Boss Ricky Vargas gave us a good motivation before the game, and it’s nice that the locals were up to the challenge. Everybody was ready to con-tribute and everybody helped,” wika ni TNT coach Nash Racela.

Papasok ang Texters sa PBA All-Star break na may  4-1 kartada, habang lalong nabaon ang Blackwater sa 0-6 makaraang maitala ang  0-3 sa ilalim ng sinibak na si coach Leo Isaac at parehong marka sa gabay ni bagong coach Bong Ramos.

Ang TNT ay may dalawang linggong break bago sumabak sa aksiyon sa Hunyo 1 laban sa Columbian Dyip.

“Hopefully, the players miss each other during the break,” ani Racela.

“It’s always nice to get a head start but we all know it’s how you sustain and how you finish; that’s the most important,” sabi pa niya patungkol sa magandang simula sa mid-season tourney.

Kahit walang import ay nagpasiklab ang Texters at naitarak ang pinakamalaking panalo sa conference sa kasalukuyan.

Hindi nila ininda ang pagkawala ng kanilang import na si Jeremy Tyler na may average lamang na 12.2 points sa apat na laro sa koponan.

Iskor:

Talk N Text (120)  – Reyes 18, Rosario 17, Pogoy 15, Castro 14, Semerad 14, Romeo 12, Cruz 11, Trollano 7, Taha 5, Carey 4, Nuyles 2, Garcia 1, Golla 0, Paredes 0, Saitanan 0.

Blackwater (101)  – Erram 16, Zamar 15, Digregorio 14, Palma 12, Famous 11, Belo 11, Cortez 9, Maliksi 6, Sumang 5, Pinto 2, Sena 0, Jose 0.

QS: 25-20, 52-47, 87-72, 120-101

Comments are closed.