Laro ngayon:
(AUF Sports Arena & Cultural Center)
5 p.m. – NLEX vs Ginebra
HINDI umubra sa Talk ‘N Text ang pagiging ‘giant killer’ ng Columbian Dyip nang pataubin ito, 101-98, upang palakasin ang kanilang kampanya sa ‘Top 2’ sa PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagbanta ang Columbian na agawin ang panalo, 98-101, sa tres ni Rashawn McCarthy subalit kinapos ang Car Makers.
Umiskor si Ryan Reyes ng 19 points, kabilang ang 5 of 8 sa tres, upang tanghaling ‘Best Player of the Game’.
Sa panalo ay umangat ang TNT sa 7-3 kartada, isang laro na lamang ang pagitan sa Rain or Shine na nasa ikalawang puwesto sa 8-3.
Hindi madali ang panalo at nagtrabaho nang husto ang TNT bago nayamani sa Columbian, taliwas sa inaasahan makaraang tambakan nito ang Alas-ka sa kanilang huling laro, 90-78, noong Marso 15 sa Cuneta Astrodome.
Lumamang ang Tropang Texters ng 10 points, 47-37, matapos ang first half, subalit rumesbak at lumapit sa 44-47, sa kabayanihan ni skipper CJ Pe-rez.
Sina Perez, McCarthy at Jackson Corpuz ang nagdala sa opensiba ng Columbian at hindi sila nakakuha ng solidong tulong mula sa kanilang mga kasamahan sa lungkot ni coach Johnedel Cardel.
Bumagsak ang Columbian sa 4-7 kartada at nasibak na sa kontensiyon para sa susunod na round. CLYDE MARIANO
Iskor:
TNT (101) – Castro 20, Reyes 19, Rosario 19, Pogoy 14, Williams 12, Heruela 8, Taha 4, Carey 2, Semerad 2, Washington 1, Cruz 0, Trollano 0, Miranda 0.
Columbian (98) – Perez 22, McCarthy 17, Camson 14, Corpuz 13, Calvo 13, Khobuntin 11, Faundo 4, Reyes 3, Celda 2, Cabrera 0, Escoto 0, Ca-hilig 0.
QS: 20-19, 47-37, 80-67, 101-98.
Comments are closed.