TEXTERS LUSOT SA BATANG PIER

TEXTERS-VS-NORTH PORT

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – Columbian vs Magnolia

7 p.m. – Rain or Shine vs Alaska

NAGSILBING bayani si balik-import Marqus Blakely upang malusutan ng Talk ‘N Text ang wala pang panalong NorthPort, 104-102, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Umiskor si Blakely sa pamamagitan ng left handed drive at na-deplete ang tira ni Moala Tautuaa upang igiya ang Tropang Texters sa apat na panalo sa walong laro at ipalasap sa Batang Pier ang limang sunod na kabiguan.

May pag-asa pa ang NorthPort na maipu­wersa ang overtime su­balit nakagawa ng error si Sean Anthony sa inbound pass upang tulu­yang matalo ang Batang Pier.

Nagbuhos si Blakely ng 23 points, habang gumawa si Terence Romeo ng 25 points, kasama ang anim na triples at 3 of 4 sa charity lane, para sa TNT.

“Blakely gave us the victory with his last heroics,” sabi ni coach Bong Ravena.  CLYDE MARIANO

Iskor:

TNT (104) – Romeo 25, Blakely 23, Rosario 12, Cruz 11, Pogoy 10, Trollano 7, Garcia 6, Reyes 3, Carey 2.

NorthPort (102) – Woods 19, Pringle 18, Tautuaa 18, Grey 18, Anthony 15, Javelona 9, Taha 4, Guinto 1, Elorde 0, Arana 0, Espinas 0, Fortuna.

QS: 21-32, 43-66, 71-87, 104-102.

Comments are closed.