TEXTERS NALUSUTAN ANG DYIP SA OT

TNT VS DYIP

Mga laro sa Miyerkoles:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – San Miguel vs Blackwater

7 p.m. – Phoenix vs Meralco

BALIK sa trangko ang Talk ‘N Text subalit kinailangan nitong malusutan ang wala pang panalong Columbian, 118-114, sa overtime sae PBA Governors’ Cup kahapon sa Araneta Coliseum.

Pinutol ng Texters ang three-game losing skid upang umangat sa 2-3 kartada habang nabaon ang Dyip sa 0-5.

Ang TNT ay naglaro na wala si head coach Nash Racela, na napaulat na nakabakasyon matapos ang masamang simula ng koponan ngayong conference. Si assistant coach Eric Gonzales ang pansamantalang gumabay sa Texters.

Unang naging bayani ng Texters si Jayson Castro nang maisalpak nito ang isang three-pointer upang bigyan ang TNT ng 115-112 kalamangan, may 2:22 ang nalalabi sa overtime.

Gumawa naman si Terrence Romeo ng kanyang sariling clutch play at umiskor ng layup sa harap ng depensa ni Rashawn McCarthy para sa 117-114 bentahe ng Texters, may 57.2 segundo sa orasan.

Tumapos si Castro na may 25 points, 6 rebounds at 7 assists para sa Talk ‘N Text, habang nagbuhos si Romeo ng 22 points at 6 dimes. Nag-ambag naman si Roger Pogoy ng 16-point, 12-rebound double-double para TNT.

Nanguna naman si Jerramy King para sa Dyip sa kinamadang 26 points at 9 rebounds.

Hindi pa nananalo ang Columbian sa Governors’ Cup magmula noong 2016, kung kailan nasa kanilang lineup pa si boxing icon Manny Pacquiao.

Iskor:

TNT (118) – Castro 25, Romeo 22, Pogoy 16, Semerad 15, Davis 11, Garcia 9, Rosario 7, Williams 4, Trollano 3, Cruz 2, Paredes 2, Carey 2, Reyes 0, Golla 0.

Columbian (114) – King 26, Wright 24, McCarthy 18, Escoto 15, Camson 6, Lastimosa 6, Ababou 5, Khobuntin 4, Gabriel 4, Cabrera 3, Reyes 2, Sara 1, Cahilig 0.

QS: 40-26, 61-48, 84-77, 107-107, 118- 114.

Comments are closed.