Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – GlobalPort vs Alaska
6:45 p.m. – Rain or Shine vs Magnolia
NAGPASABOG ang TNT KaTropa ng 36 points sa first quarter tungo sa 123-95 pagdurog sa Columbian Dyip sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena.
Sa panalo ay sumosyo ang TNT sa Rain or Shine sa liderato na may 5-1 kartada, habang bumagsak ang Columbian sa 3-4.
Naitala ni Troy Rosario ang 10 sa kanyang 21 points sa opening period kung saan bumuslo ang TNT ng 66 percent mula sa floor upang kunin ang 19-point lead tungo sa lopsided win, tampok ang pagbabalik ni KaTropa import Joshua Smith.
Tumipa si Terrence Romeo ng 19 points, 7 rebounds, 5 assists at 2 steals, habang umiskor si Jericho Cruz ng 13 points.
Ang panalo ay naitala isang araw makaraang magkasundo ang PBA Board of Governors na ipadala ang core ng TNT squad sa Asian Games sa Indonesia sa Agosto, kasama ang Gilas Cadets squad.
“It’s nice that we’re able to continue our winning ways. But the tougher games are ahead of us,” wika ni TNT coach Nash Racela.
“It’s nice to get some wins in the first half of the eliminations, but I think it is the second half that is more important.”
Hindi pumutok si Smith sa kanyang unang laro magmula nang palitan si Jeremy Tyler sa All-Star break, kung saan gumawa lamang siya ng 11 points at humugot ng tatlong rebounds sa loob lamang ng 13 minuto.
“Obviously he’s not in his best shape yet but I think he’ll eventually get there,” pag-aamin ni Racela. “Good thing about him now is that he’s healthier physically and that’s really good for us.”
Iskor:
Talk N’ Text (123) – Rosario 21, Romeo 19, Cruz 17, Trollano 11, Smith 11, Williams 11, Carey 9, Garcia 7, Semerad 7, Pogoy 6, Golla 2, Reyes 1, Castro 1, Nuyles 0, Paredes 0, Saitanan 0.
Columbian (95) – Fields 34, Tubid 13, Camson 11, Lastimosa 9, Gabriel 6, Khobuntin 6, McCarthy 5, Cabrera 3, Ababou 3, Celda 2, Sara 2, King 1, Corpuz 0, Cahilig 0, Escoto 0.
QS: 36-17, 72-40, 98-65, 123-95
Comments are closed.