TEXTERS TODO ENSAYO NA PARA SA PBA 44TH SEASON

tnt

HALOS lahat ng players ng Barangay Ginebra ay nasa bakasyon ngayon. Tulad ni Joe de Vance na kasama ang kanyang pamilya sa Amerika ngayon, gayundin si Sol Mercado. Babalik ang mga ito sa first week ng Disyembre para paghandaan ang opening ng 44th season ng  PBA sa January 13, 2019.

Ang ibang teams ay nagsimula naman nang mag-ensayo tulad ng TNT KaTropa para pag­handaan ang pagbubukas ng PBA  next year. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng team na ito na maagang na-eliminate. Kayod marino ang mga player ni coach Bong Ravena ngayon.

***

‘Di magkamayaw ang kampo ng UP Maroons sa pagkapanalo nila noong Sabado laban sa Adamson University. Sa dalawang puntos lang nagkatalo, 73-71. Isang panalo na lamang ang kailangan ng Maroons para makapasok sa championship round. Siyempre, excited ang mga taga-UP Diliman sa magandang nangyayari sa kanilang team nga­yon. After 21 years  ay ngayon lang muling nakapasok sa ‘Final Four’ ang Maroons. Isa kami sa umaasam na makapasok sa finals ang team ni coach Bo Perasol.

***

Naipagluto na ng ulam na adobo ni Calvin Abueva ang nali-link sa kanya ngayon  na si Vice Ganda. Hindi mismo si Abueva ang naghatid sa ‘Showtime’ ng niluto niyang adobo kundi ang kanyang personal na dyu­­lalay. Katunayan, after the show ay salo-salong kinain ng mga host ng noontime show ang adobo ni Abueva. Walang romantic relationship sina Vice at Calvin, kundi true friends lang sila. Kasi nga, paliwanag ni Vice, ngayon lang siya nakatagpo ng kaibigang lalaki na hindi siya ikinahihiya sa publiko. Sa totoo lang naman kasi,  super duper bait ang Phoenix player na ito. Totoong tao siya, kapag tinanggap ka niyang kaibigan as in kaibigan ka niya hanggang sa huling sandali. Tsika namin, magkasama sina Vice at Calvin sa Boracay ngayon, kaya nga ba ilang araw nang wala ang host sa ‘Showtime’?. Kahapon ay bumalik na si Calvin kasama ang ate niya at ilang kaibigan mula sa Boracay.

***

Sino kaya itong player na ito mula sa medyo sikat na team na hinahanapan na ng trade. Mukhang  hindi gusto ng management ang attitude ng basketbolista. Oks ang laro ng mama para sa team, ang problema ay ang pakikitungo niya sa kanyang teammates.

Tila may sariling mundo ang player kaya napagkakamalan itong mayabang at suplado. Marahil  pag-dating ng drafting ay naka-trade na ito at hindi pa lamang bino-broadcast para sa drafting ngayong Dis. 16, na siguradong mapag-uusapan. Abangan natin ‘yan. Lumaki na kasi ang ulo ng player na ito.

Comments are closed.