TEXTERS ‘UNDERDOG’ SA FINALS?

TNT

SILA ang top seeded team papasok sa playoffs at hinubaran nila ng korona ang PBA Commissioner’s Cup champion.

Subalit naniniwala pa rin si Terrence Jones na ‘underdog’ ang TNT Katropa sa darating na best-of-seven finals laban man sa San Miguel Beer o sa Rain or Shine.

“I don’t feel we’re the favorites. I feel we’re the underdogs,” wika ni Jones na pinangunahan ang Katropa sa kanilang ­unang finals stint sa loob ng dalawang taon makaraang sibakin ang Barangay Ginebra, 103-92, sa Game 4 ng kanilang best-of-5 semis series.

Humataw si Jones ng 24 points, 13 rebounds, at 10 assists, ang kanyang ika-5 triple-double sa conference upang magtala ng all-time franchise record.

Sinabi ng dating NBA player na hindi na siya makapaghintay sa kanyang unang finals stint sa PBA kasama ang koponan na itinuturing niyang isang ‘special group’.

“We’re playing as a team, as a unit, and everybody is happy for one another,” ani Jones.

“We worked very hard this year to create this chemistry and believe in one another. I think we’re going to continue on having that same belief in each other,” dagdag ng produkto ng University of Kentucky.

Ang KaTropa ay hindi pa nagkakampeon sa liga magmula nang talunin ang Rain or Shine sa double overtime ng hindi ma­lilimutang Game 7 upang kunin ang  2015 Commissioner’s Cup.

Umaasa si Jones na matutulungan niya ang koponan na mawakasan ang four-year title drought.

“We’re gonna come in excited and try to get something special done that hasn’t happen for our organization in a long time,” aniya.

Samantala, napakahalaga naman para kay Jayson Castro ang makopo ang PBA Commissioner’s Cup title.

Inamin ng TNT superstar guard na hindi na pumapanig sa kanya ang oras at maaaring ito na ang huling pagkakataon para makapaglaro siya as finals.

“’Yun ‘yung challenge ko sa sarili ko na siyempre nasa point na ako na parang halos nandoon na ako sa patapos ng peak ko, so eto ‘yung time na gusto ko talagang mag-champion,” ani Castro. CLYDE MARIANO

Comments are closed.