TF BICOL SHIELD MULING PINAKILOS

BICOL- INACTIVATE ng PNP Police Regional Office 5 ang Task Force Bicol Shield para tiyaking magiging payapa at maayos ang inagurasyon ng presumptive president ng Pilipinas.

Ang task Force Bicol shield ay opisyal na pinakilos eksaktong alas- 12 kamakalawa ng tanghali.

Bahagi ng inilatag na security preparation ay paiiralin ng 27 City /Municipal Police Stations mula sa apat na Police Provincial Office at isang City Police Office ang 24/7 checkpoint sa kahabaan ng Maharlika hi-way mula Matnog, Sorsogon hanggang Sta Elena, Camarines Norte.

Bukod dito, inatasan din ni BGen Mario Reyes, RD ng PRO5 ang lahat ng lower units na magsagawang police and mobile visibility para matutukan ang kasalukuyang peace and security situation sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Pinaigting din ng pulisya ang kanilang intelligence gathering operation para mabantayan ang pagkilos ng mga lawless elements and threat groups.

“ The unit also established its RSSF from RHQ while the CDM from all the PPOs and CPO is on alert to respond on any eventualities that may happen during the period,” ani Major Malou Calubaquib, tagapagsalita ng PNP Bicol.

“The creation of the Task Force Bicol Shield is in anticipation of the possible events and circumstances that may arise on the coming of the new administration. Likewise, we shall not cease to adhere with the protocols and standards to keep the community safe”, ayon naman kayani RD Reyes. VERLIN RUIZ