TF OINK-OINK INILATAG VS AFRICAN SWINE FEVER

ASF

ISABELA – BUMUO ng Task Force ‘’Oink-Oink’’ ang pamahalaang panlalawigang ito  para mahadlangan ang pagpasok ng African Swine Fever (ASF) at sa bisa ng Executive Order no. 25-8 sa kautusan ni Isabela Governor Rodolfo Albano III na siyang magmo-monitor sa pagpasok ng mga livestock sa lalawigan ng Isabela.

Layunin ng EO no. 25-8 na mahadlangan ang African Swine at iba pang sakit na makakaapekto sa industriya ng livestock sa buong lalawigan ng Isabela.

Ang chairman ng task force ay si Governor Albano habang ang vice chairman naman ay si Vice Governor Faustino “Bojie” Dy III, ang coordinator ay si Atty. Conxtante Foronda Jr, ng Public Safety Office, assistant Public Safety Officer si Jimmy Rivera, at ang Deputy Task Force Commander ay si Dr. Angelo Naui, ang Provincial Veterinarian.

Ang mga miyembro ay sina P/Col. Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) Joan Baldo, Imformation Office ng Isabela, Provincial General Services Office (GSO) Rodrigo Sawit, Provincial Budget Officer Elsa Pastrana at iba pang mga department head ng kapitolyo ng Isabela.

Pangunahing tungkulin ng binuong task force ay ang pa­ngasiwaan ang mga checkpoint sa southern entry point pangunahin na ang bayan ng Cordon habang sa hilagang bahagi ng Isabela ay sa bayan ng San Pablo, kabilang ang bayan ng Quezon na entry point mula sa lalawigan ng Kalinga.

Ang action plan na binuo ng Task Force African Swine Fever ay tinawag na ‘’Task Force Oink-Oink’’ na magbabantay 24/7 sa mga checkpoint na silang susuri ng mga papeles sa mga papasok na may mga dalang livestock sa kanilang mga sasakyan.

Kapag hindi nakapagpakita ng kaukulang papeles ang isang sasakyan na may dalang mga hayop ay hindi papapasukin sa lalawigan. IRENE GONZALES

Comments are closed.