TGIS STAR ANGELU DE LEON MAY SALON AT RESTO

ANGELU DE LEON

TAONG 2015 nang itayo ng TGIS star na si Angelu de Leon ang kanilang salon na entra eksenaThe Make-over Lounge na dalawa sa kanyang kasosyo ay sina Phoemela Baranda at Chef Rosebud Benitez. Maganda ang naging outcome nito na pinuntahan talaga ng rich customers kaya mabilis ang ROI(return of investment) ng actress sa nasabing negosyo.

Last 2017 ay itinayo naman ni Angelu ang restaurant na Spice and Cleaver sa Maligaya Drive, Ayala Fairview Terracers at may co-owners siya rito.

Ang isini-serve nila sa restong ito ay handcrafted sausages na kapag nasa resto si Angelu ay siya mismo ang nagluluto.

Ilan pa sa kanilang delicious dishes ay ang pizza, pasta, at iba’t ibang desserts. Samantala, ina­min ni Angelu na ang asawang si Wowie Rivera ang nag-motivate sa kanya na mag-business.

“Open book naman ang buhay ko at alam ninyo ang nangyari sa akin noon. Kung nag-business ako noon, baka napabayaan ko rin. Now, with my husband, may nagbibigay sa akin ng advice para ituluy-tuloy ito,” say ni Angelu.

Sa kanyang career, ay hindi na gaanong ka-active ang actress-businesswoman, pero kapag may magandang offer daw ay open naman siya para rito.

GRAND FINALS NG ‘DOBLE KARA’ MAS LEVEL UP ANG PERFORMANCES, RENZ PEREZ  WINNER

KUNG noong 1986 ay lipsync ang pagkanta ng mga contestant sa “Doble Kara” sa Eat Bulaga, ngayon ay nag-level up na ng  todo ang nasabing throwback segment na kamakailan ay ibinalik ng programa.

Last Saturday ay ginanap na ang grand finals nito. Ang apat na Doble Kara finalists na sina Roldan, Justine, Marijun at Renz Perez ng Cavite ang naglaban para maging grand winner at si Renz ang nag-stand-out sa mga judges na sina Renz Verano, Anton Diva at Aicelle Santos. Compared sa kanyang competitor ay fabulous ang performance ni Renz sa song niyang “Forever” na girl na girl ang voice at biglang lalaki naman ang boses. Pretty si Renz sa kanyang girl outfit pati movement habang nagpe-perform ay babaeng-babae. Nanalo siya ng P100,000 cash bilang grand winner at P25k naman ang naiuwi ng first runner-up na si Roldan Bunayo ng Albay. Ang Doble Kara, ay hatid ng Young’s Town Sardines.

DOVIE SAN ANDRES AT ANAK NA SI ELREY BINOE IMA-MANAGE NI DIREK VIC TIRO

KAYSA maging loka-loka raw sa pag-ibig ay mas gusto ng controversial social media personality na si Dovie ang mag-focus na lang sa kanyang career ganu’n din  sa guwapo at matangkad na anak na si Elrey “Binoe” Alecxander na papasukin na rin ang pag-aartista.

Yes, plantsado na ang pag-uwi this year sa Pinas ni Dovie kasama si Elrey Binoe at gagawa silang mag-mommy ng indie movie na true-to-life story pareho ni Dovie at namayapa nitong boyfriend na indie actor-singer-model na si Khristian Michael Villanueva.

Parehong colorful ang buhay ng dalawa kaya’t magandang maisalin ito sa pelikula. Si Dovie ang magpo-produce ng pagbibidahang movie at naghahanap siya ngayon ng gaganap sa role ni Michael.

Ipauubaya pala ni Dovie ang career nila ni Elrey Binoe kay Direk Vic Tiro na matagal na niyang kaibigan.

Bukod kasi sa magaling na director ay expert daw ito sa martial arts at gusto ni Dovie na si Direk Vic ang maghasa kay Elrey Binoe na action ang ta-tahaking career.

Comments are closed.