THAI ARMY OFFICER NAMARIL, ANIM NA FILIPINO NA-TRAP

pamamaril

PINAWI ng Thailand government ang pangambang may Filipino na nadamay sa pamamaril sa isang shopping mall sa kanilang bansa na ikinasawi ng nasa 20 katao.

Madaling araw nang mailikas na ang anim na mga Filipino na na-trap sa Terminal 21 Mall sa Nakhon Ratchasima.

Naka-lockdown na ang lahat ng mga stalls at kuwarto sa mall kung saan unti-unti nang inilalabas ang mga naipit na customers at staff ng nabanggit na mall.

Wala rin umanong hawak na hostage ang suspek na nanatili pang nakalalaya at nagpapalakad-lakad pa rin sa loob ng mall.

Una nang kinilala ng Thai authorities ang suspek sa pamamaril na si Sergeant Major Jakrapanth Thomma, isang junior army officer.

Na i-post ng suspek sa Facebook ang ginawa nitong walang habas na pamamaril. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.