THAI BIZMEN HIHIMUKING MAGNEGOSYO SA PINAS

NASA Thailand na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos at ang kanyang delegasyon para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit mula Nobyembre 16 hanggang Disyembre 19.

Sa departure speech ng Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City, sinabi nito na kanyang isusulong ang agenda ng Pilipinas kabilang na ang food security, climate change mitigation, energy security at iba pa.

“Mga kababayan ko ang dala natin sa ganitong klaseng mga summit at saka mga meeting ang ating mga pangarap para sa magandang buhay,” pahayag ng Pangulo.

“This is what we aspire for a peaceful, a prosperous Asia-Pacific region. We will be engaging with the leaders of economies of the Asia-Pacific region to agree on how we can achieve food and energy [security], safe and seamless cross-border passage of our seamen and our other Filipino workers, economic inclusion of our MSMEs, women, indigenous people, and other segments whose economic potential remain to be unlocked, digitalization and our participation in the digital economy, and the connectivity that must be achieved if we are going to take full advantage of that digitalization, sustainable development and of course that existential problem that we all face, the climate change crisis,” pahayag ng Pangulo.

Hihimukin din ng Pangulo ang mga negosyante sa Thailand na mag-negosyo sa bansa.

“I will meet of course with Thai business leaders on the APEC sidelines to invite investments and seek business opportunities, to promote the Philippines — our economic agenda and our exports. And I am participating in panel discussions on “The Global Economy and the Future of APEC”, among select APEC Leaders invited to speak at the annual gathering of top CEOs from across the region,” pahayag ng Pangulo.

May nakatada ring mga bilateral meetings ang Pangulo sa mga private and heads of state para paigtingin pa ang diplomatic relations at economic cooperation.

Makikipagkita rin ang Pangulo sa Filipino community sa Thailand.

Umaasa ang Pangulo na ang pagdalo niya sa APEC summit ay maging kasing bunga ng pagdalo niya sa katatapos na asssosiation of southeast Asian nations sa Cambodia.

“I hope to build upon the discussions that we had during the ASEAN Summit. There were many as I mentioned when I first arrived from Cambodia, from Phnom Penh, it is very clear that there are many areas of consensus between our countries in the Asia Pacific, Indo-Pacific region,” dagdag ng Pangulo.

EVELYN QUIROZ