THAI CEMENT MANUFACTURER MAG-I-INVEST NG P2-B

MAG-I-INVEST ang Bangkok-based fiber cement manufacturer Shera ng P2 billion sa Pilipinas, ang unang pasilidad nito sa labas ng Thailand.

Sa building and construction exposition Worldbex 2024 sa Pasay City nitong Huwebes, sinabi ni  Shera country head Thunnop Jumpasri na ang P2-billion construction plant ay matatagpuan sa isang two-hectare property sa Mabalacat, Pampanga.

Magkakaroon ito ng initial capacity na 100,000 metric tons annually na maaaring doblehin sa mga darating na taon at ang pagbubukas ng bagong planta ay mangangailangan ng 120 hanggang  150 manggagawa.

“(We) plan to expand to other countries but [the] Philippines is our first (facility) outside Thailand… (In other countries,) we need to understand the market (and) culture, but in the Philippines, we’ve been here, so (we are) confident because understand the market,” sabi ni Jumpasri, idinagdag na sinimulan ng kompanya ang instalasyon noong 2023 at target na matapos ito ngayong taon.

Noong nakaraang taon, ang benta ng Shera sa Pilipinas ay nasa P1.5 billion.

“We are positive to grow around 10 to 5 percent,” anang executive.

Sa pagbubukas ng pabrika nito sa bansa, layon ng Shera na dalhin dito ang sustainable at  eco-friendly construction products nito, lalo na para sa mga establisimiyento, gusali, at bahay na nais maglagay ng green solutions sa kanilang mga proyekto.

Target din ng kompanya na samantalahin ang business opportunities sa Pilipinas sa infrastructure program at private sector’s construction projects ng administrasyon.

“We plan to export to other countries from [the] Philippines to Taiwan, Korea, and some parts of China, but we prioritize the Philippines first for now,” dagdag pa ni Jumpasri.

(PNA)