NAGPASALAMAT si Presidente Ferdinand R. Marcos Jr. sa Thailand conglomerate Charoen Pokphand Group (CP Group) para sa plano nito na mag- invest ng USD1.5 billion (P87.5 billion) upang tumulong na palakasin ang agriculture sector ng Pilipinas.
Sa isang post sa social media, sinabi ni Marcos na nakipagpulong siya kay CP Group Chairperson Soopakij “Chris” Chearavanont noong Martes sa Laperal Mansion sa Malacañang upang talakayin ang agriculture projects at iba pang paksa.
Ayon sa Pangulo, nangako ang Thai conglomerate ng karagdagang USD1.5 billion na investments sa bansa, simula sa 10,000-hectare modernized mega farm.
“Our meetings at the sidelines of APEC in Bangkok in 2022 and at Malacañan Palace in May 2023 have proven to be meaningful and productive,” ani Marcos.
Noong Mayo ng nakaraang taon, inanunsiyo ng Pangulo ang plano ng CP Group na mag-invest ng USD2.5 billion (P140.8 billion) sa bansa kasunod ng pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng kompanya sa Malacañang.
Ang mga opisyal ng CP Group ay unang nakipagpulong kay Marcos sa kanyang pagbisita sa Thailand noong November 2022.
Nangungunang holding company sa Thailand, ang CP Group ay may investments sa 21 bansa at ekonomiya sa buong mundo, nag-ooperate sa mahigit 200 subsidiaries, at nag-eempleto ng mahigit 300,000 katao.
Nag-ooperate ito sa walong business lines — agro-industry and food; retail and distribution; media and telecommunications; e-commerce and digital; property development; automotive and industrial products; pharmaceuticals; at finance and investment. ULAT MULA SA PNA