TINUKOY ng Department of Trade and Industry (DTI) ang ilang larangan kung saan maaaring makipagpartner ang Filipinas sa Thai companies — garments, retail, medical at retirement tourism – sa pakikipagpulong nito sa Thailand-Philippines Business Council na pinangunahan ni Chairman Visit Limprana kamakailan.
“As ASEAN neighbors, we can see a lot of possible investment collaborations between Filipino and Thai businesses. And the industries we’ve mentioned like garments, are very promising considering our massive domestic consumer market, growing middle class earners, and the growing manufacturing industry complemented by our rich pool of talents and professionals,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez.
Binigyang-diin ni Sec. Lopez ang PH growth story at ang reporma ng pamahalaan upang isulong ang ‘ease of doing business’, gayundin ang massive infrastructure program upang mapabilis ang kalakalan, magbukas ng mga bagong merkado, at luminang ng growth centers. Hinikayat niya ang business delegation na palawakin ang kanilang manufacturing operations sa PH, gayundin ang market access nito sa iba pang trading partners.
Samantala, nagpasalamat si Chairman Limprana sa PH government sa paglahok nito sa business forum na inorganisa ng Thai businesses at sinabing umaasa sila sa partnership sa Philippine businesses sa hinaharap.
Ipinarating din ni Thailand-Board of Investment Senior Investment Advisor Pannee Chengsuttha sa mga opisyal ng DTI ang kanilang kampanya na hikayatin ang Thai businesses na mag-invest sa ibang partner countries gaya ng Filipinas. Gayundin ay nais nilang imbitahan ang Filipino conglomerates na palawakin ang kanilang mga negosyo sa Thailand.
Ipinabatid ni Bangkok Bank VP and Branch Manager Nattika Kanpawong ang suporta ng Bangkok Bank na tulungan ang Thai investors na papasok sa Filipinas. Ang Bangkok Bank ay kasalukuyang may sangay sa Makati.
Noong 2017, ang Thailand ang 7th trading partner ng Pinas. Ito rin ang 7th export market at 5th import source ng bansa.
Kumpara noong 2016, ang PH exports at imports mula sa Thailand ay tumaas sa 25.5% at 2.8%, ayon sa pagkakasunod, noong nakaraang taon.
Ang approved investments mula sa Thailand ay umabot sa kabuuang P363.6 million noong 2017.
Comments are closed.