ILAGAN — Nagpasiklab ang mga kababaihan sa kanilang mga paboritong event, kasama si local pride Mariel Abuan sa pagtatapos ng 14th Southeast Asia Youth Athletics Championship kahapon.
Dinomina ng Thailand na may 48 athletes ang torneo at inagaw sa Vietnam ang overall championship na may 12-5-4 kabuuang medalya. Pumangalawa ang Vietnam (5-9-7), kasunod ang Malaysia (4-3-1), Indonesia (2-1-3), Philippines (3-4-7), Timor Leste (1-3-1) at Singapore (1-2-3). Walang nakuhang medalya ang Brunei.
Ipinakita ng 14-anyos na taga-Botolan, Zambales ang kanyang galing sa paglundag ng 1.65 meters at tinalo ang kayang dala-wang Vietnamese na kalaban na sina Thanh Vy Nvguyen at Quynh Giang Pham na nagkasya sa pilak at tanso sa nilundag na 1.61 at 1.58 meters, ayon sa pagkasunod.
Somosyo sa limelight sina Thu Quyen Nguyen at Ngoc My Huynh ng Vietnam, Chinenye Josephine Onurah at Sadanan Thip-chan ng Thailand, at Sukanda Petraksa at Nataya Mahdalita ng Indonesia.
Bukod kay Abuan, ang Filipinas ay nakakuha rin ng ginto sa kabayanihan ni Ma. Krizzhie Clarisse Ruzol sa pole girls sa 2.60 meters at ni Hokket de los Santos sa boys 4.20 meters.
Matapos manalo sina Abuan, Nguyen, Ngoc, Chinenye, Thipchan, Petraska at Mahdlita, ginulat ni Jonah Chang Anak Rigan ng Malaysia ang mga nanood sa Ilagan Sports and Cultural Sports Complex sa pagtala ng bagong meet record sa shot put boys na 18.03 meters at binura ang 16.76 meters record na ginawa ni Patcharapol Singrueng ng Thailand noong nakaraang taon.
“I didn’t expect I do it in my first appearance in this tournament and second foreign exposures. I’m happy, I did it. My record breaking win is a precious late birthday presence,” sabi ni Jonah, nagdiwang ng kanyang ika-16 kaarawan noong February 25.
Ginawa ni Jonah ang bagong record sa shot put matapos magwagi ang kanyang kababayan na si Roland Alvin sa triple jump boys sa 14.60 meters.
Ipinakita naman ng Indonesia na sila ang undisputed ruler sa 4x400m mixed relay sa kabayanihan nina Erna Nuryanti, Richo Richard Tumarar, Muhammad Ardiansyah at Raden Roselin Fikanada sa oras na 44.76 seconds. CLYDE MARIANO
Comments are closed.